Released: 2019
Lyrics by:
Chris Jan Vergara (CJan)
Erica Marie Sedigo Calumpang (Erica)
Cham Guevarra

Lahat ng pagsubok
Ay bale wala
Iyong kinabukasan ang mahalaga
Sa Diyos at sa iyo ako humuhugot ng lakas
Kahit ano mang hirap di ako aatras

Sa tatahakin kong landas
Wala akong alam
Kung ang buhay ko man ay may kasiguraduhan
Sa isang bansang hindi ko kinagisnan
Ano mang paghihirap ‘di ko susukuan

May pagsusulit nanaman si bunso sa makalawa
Hirap dito’y di ko matantsa, tiis lang talaga
‘di ba’t sabi ko naman sa’nyo
Wag kayong mag-alala
Trabaho ko’y dala-dalawa
Luto’t paglalaba

Alipin man ang tingin nila sa’kin dito
Malimit nalang tumingin kahit kay Sto. Nino
Ako humuhugot ng lakas
Sa bansang mapagmataas
Ang ‘di sumusuko’y syang pinakamalakas

Lahat ng pagsubok
Ay bale wala
Iyong kinabukasan ang mahalaga
Sa Diyos at sa iyo ako humuhugot ng lakas
Kahit ano mang hirap di ako aatras

Pangungulila ang tanging nakabalot at
Kung ‘di alila, tingin sa’min ay salot na
Mistula bang robot na di napapagod
Minsan sa bonus ay madadamot
Dinadaan na lang sa kamot
Sa’king anit at habang papaubos na ang buhok
Ay sumamabay ang kakaramput na sahod
Mapait man ang sinasapit ko at halos
Mamatay-matay ay alay ko sa inyo’ng aking pagod

Ako’y hindi susuko
Lahat ng sakripisyong ito
Ay para lang sa iyo
Pilit ko mang intindihin
‘Di pa rin kaya ng isip ko’t damdamin
Sampalin ko man ng sampalin ang sarili ko
Parang hindi pa rin ako makakagising sa panaginip na ‘to
Una mo kaming pinili bago ang iyong sarili
Sa amin ay hindi ka ne minsan nagkulang
Kahit mula lupa hanggang langit pa ang hadlang
‘di ko ‘to nasabi sayo ng personal noon
Ewan ko lang kung maririnig mo ba ako ngayon
Salamat aking mahal na Ate,
Hanggang sa muli nating pagkikita
Paalam…